Sunday, December 21, 2014

Buhay YFC: The Other Side of the Coin

We began our youths camps with very little awareness on where are we putting ourselves into. We see young people praying, singing various songs, conducting talks and facilitating activities. This may sound strange, unusual and for some even weird but we have gone through this, nakapag-camp naman tayo lahat eh.
Naranasan nating umiyak dahil sa reflection, napanga-nga at nabored sa ibang mga speakers. Hindi nakatulog dahil maraming lamok o talagang hindi lang sanay matulog sa ibang lugar. Pagdating sa talk 5 napasabi ka sa sarili mo na magpapakabait ka na sabay "pag-uwi ko mag I love you ako sa parents ko." Were very idealistic, so full of enthusiasm in "serving the Lord" through YFC then finally makakauwi narin at makakatulog ng mahimbing.
Then what's next? Oo nga pala may covenant orientation pa, doon daw ako magiging certified YFC at makukuha ang ID ko. O natapos na ang covenant orientation, anu uli ang susunod? Ay teka magpacamp tayo! So may Youth Camp training and Household leaders training diba? Diba ito yung may lokohan na workshop? Yung tipong aasarin ang bagong service team tapos sasabihing, "dapat ready tayo sa mga ganitong sitwasyon" tapos hindi naman pala ganun ka lala, exaggerated lang
Then yehey! Camp na. Magiging service team na ako. Start muna ako sa prayer warrior kasi shy type ako. Ahw ang boring pala nito, paulit-ulit nalang ang rosary. Dapat next camp sa music min ako. Maganda din yung camp servant kasi panay lakad-lakad lang tsaka kitchen warrior kasi nasa kusina lang.
After several years, ininvite na maging speaker. Hmp ayoko nyan baka mapahiya ako. Doon nalang ako ulit sa DGL o sa kahit anu basta wag lang yan. How about sharer nalang? Wala naman akong ma ishare eh (kalokohan lang alam ko haha :p). Eh magdasal nalang? hmp sila nalang, mas magaling sila magdasal eh...
Kaya ayun, camp after camp ganun nalang. Nakakapagod na. Pahinga muna ako, kaya naman nila yan eh. Babawi nalang ako sa next activity.
Pagdating ng next activity. Ininvite ulit. Pero pass muna, baka next time nalang busy ako eh, may exams kami bukas.
Lumipas ang maraming activity di parin ako pumunta. Nagtatago nalang, umiiwas, at nahihiya. miss ko na ang YFC pero nahihiya na ako. Hanggang tingin nalang ako nito. Then nag college nalang at nag-graduate wala na talaga. Goodbye YFC
End of story