We began our youths camps with very little awareness on where are we
putting ourselves into. We see young people praying, singing various
songs, conducting talks and facilitating activities. This may sound
strange, unusual and for some even weird but we have gone through this,
nakapag-camp naman tayo lahat eh.
Naranasan nating umiyak dahil sa
reflection, napanga-nga at nabored sa ibang mga speakers. Hindi
nakatulog dahil maraming lamok o talagang hindi lang sanay matulog sa ibang
lugar. Pagdating sa talk 5 napasabi ka sa sarili mo na magpapakabait ka
na sabay "pag-uwi ko mag I love you ako sa parents ko." Were very
idealistic, so full of enthusiasm in "serving the Lord" through YFC then
finally makakauwi narin at makakatulog ng mahimbing.
Then what's next? Oo nga pala may covenant orientation pa, doon daw ako
magiging certified YFC at makukuha ang ID ko. O natapos na ang covenant
orientation, anu uli ang susunod? Ay teka magpacamp tayo! So may Youth
Camp training and Household leaders training diba? Diba ito yung may
lokohan na workshop? Yung tipong aasarin ang bagong service team tapos
sasabihing, "dapat ready tayo sa mga ganitong sitwasyon" tapos hindi
naman pala ganun ka lala, exaggerated lang
Then yehey! Camp na. Magiging service team na ako. Start muna ako sa
prayer warrior kasi shy type ako. Ahw ang boring pala nito, paulit-ulit
nalang ang rosary. Dapat next camp sa music min ako. Maganda din yung
camp servant kasi panay lakad-lakad lang tsaka kitchen warrior kasi nasa
kusina lang.
After several years, ininvite na maging speaker.
Hmp ayoko nyan baka mapahiya ako. Doon nalang ako ulit sa DGL o sa kahit
anu basta wag lang yan. How about sharer nalang? Wala naman akong ma
ishare eh (kalokohan lang alam ko haha :p). Eh magdasal nalang? hmp sila
nalang, mas magaling sila magdasal eh...
Kaya ayun, camp after
camp ganun nalang. Nakakapagod na. Pahinga muna ako, kaya naman nila yan
eh. Babawi nalang ako sa next activity.
Pagdating ng next activity. Ininvite ulit. Pero pass muna, baka next time nalang busy ako eh, may exams kami bukas.
Lumipas ang maraming activity di parin ako pumunta. Nagtatago nalang, umiiwas, at nahihiya.
miss ko na ang YFC pero nahihiya na ako. Hanggang tingin nalang ako
nito. Then nag college nalang at nag-graduate wala na talaga. Goodbye
YFC
End of story
So sad sir. But we know that we need to accept it because it is the reality😅 Basta ako go lng ng go .. Life must go on.💪 ang importante patuloy tayong nagsesirbisyo Kay God even though wala tayo sa YFC😊☺
ReplyDelete